Entry: tunay na kaligayahan.. Thursday, October 29, 2009



isang pagkakamali..

pwede nitong baguhin o wasakin ang lahat..

pwede itong magdulot ng kamatayan..

kamatayan ng tiwala..

kamatayan ng pagkakaibigan..

kamatayan ng pagmamahal..

may choice tayo na hindi gawin ang mga kasalanan..

pero dahil minsan (o kalimitan, para sa iba) ay napapadali o napapasaya nito ang mga pangyayari o gusto nating mangyari sa mga buhay natin, ginagawa natin ang mga ito..

ng hindi iniisip na ito'y makakasakit..

sa mga taong nasa paligid natin..

at sa Kanya..

kahit ito pa ang magbibigay-SAYA satin..

huwag tayong magpadala..

huwag natin itong gawin..

dahil sa bawat kasalanan na ginagawa natin..

napapalayo tayo sa Kanya na lubos na NAGMAMAHAL satin..

nasasaktan natin Siya..

nagdurugo ang PUSO Niya sa mga gawain nating ito..

kaya sa bawat araw na binibigay Niya sa atin..

sa bawat umaga na ating nasisilayan..

magpasalamat tayo sa Kanya..

dahil binibigyan Niya tayo ng pagkakataon..

pagkakataon na itama ang mga pagkakamali..

pagkakataon na humingi ng tawad sa mga nasaktan natin..

pagkakataon na magmahal..

hinihiling Niya na gawin natin ang TAMA..

ang inuutos Niya..

ang kalooban Niya..

at kapag ginawa natin ang lahat ng yun..

doon tayo magiging TUNAY na MALIGAYA..

hindi Niya sinabing magiging madali o maayos ang lahat kapag nangyari yun..

pero hindi rin Niya sinabing tayo lang ang gagawa ng lahat sa buhay natin..

kasama natin Siya..

sa tulong at gabay Niya..

makakaasa ka, kaibigan..

mangyayari ang lahat ng yun..

sa oras na tayo ay tumawag sa Kanya..

sa oras na tayo ay magtiwala sa Kanya..

sa oras na mahalin natin Siya..

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments