![]() "Life is like a box of chocolates...you never know what you're gonna get..." You can check mine...so, see what you'll get.. |
|
|
|
tunay na kaligayahan.. isang pagkakamali..
pwede nitong baguhin o wasakin ang lahat.. pwede itong magdulot ng kamatayan.. kamatayan ng tiwala.. kamatayan ng pagkakaibigan.. kamatayan ng pagmamahal.. may choice tayo na hindi gawin ang mga kasalanan.. pero dahil minsan (o kalimitan, para sa iba) ay napapadali o napapasaya nito ang mga pangyayari o gusto nating mangyari sa mga buhay natin, ginagawa natin ang mga ito.. ng hindi iniisip na ito'y makakasakit.. sa mga taong nasa paligid natin.. at sa Kanya.. kahit ito pa ang magbibigay-SAYA satin.. huwag tayong magpadala.. huwag natin itong gawin.. dahil sa bawat kasalanan na ginagawa natin.. napapalayo tayo sa Kanya na lubos na NAGMAMAHAL satin.. nasasaktan natin Siya.. nagdurugo ang PUSO Niya sa mga gawain nating ito.. kaya sa bawat araw na binibigay Niya sa atin.. sa bawat umaga na ating nasisilayan.. magpasalamat tayo sa Kanya.. dahil binibigyan Niya tayo ng pagkakataon.. pagkakataon na itama ang mga pagkakamali.. pagkakataon na humingi ng tawad sa mga nasaktan natin.. pagkakataon na magmahal.. hinihiling Niya na gawin natin ang TAMA.. ang inuutos Niya.. ang kalooban Niya.. at kapag ginawa natin ang lahat ng yun.. doon tayo magiging TUNAY na MALIGAYA.. hindi Niya sinabing magiging madali o maayos ang lahat kapag nangyari yun.. pero hindi rin Niya sinabing tayo lang ang gagawa ng lahat sa buhay natin.. kasama natin Siya.. sa tulong at gabay Niya.. makakaasa ka, kaibigan.. mangyayari ang lahat ng yun.. sa oras na tayo ay tumawag sa Kanya.. sa oras na tayo ay magtiwala sa Kanya.. sa oras na mahalin natin Siya..
random thoughts.. nakakalungkot lang ang araw na 'to..
andaming nasa isip ko ngayon.. di ko alam ang gagawin sa bawat bagay o aspeto ng buhay ko.. hay..:(
my thoughts today.. nagawa ko na.. ang sabihin sa kanya muli ang nararamdaman ko sa ngayon.. medyo may katagalan ko nang nagawa yun, pagpasensiyahan niyo lang at ngayon ko lang nailahad dito..
kaso lang, wala pa rin siyang response.. paano ko siya haharapin ngayon diba? hay.. casual lang? hay.. pero kung ayaw niya talagang magrespond, bahala na.. ok na naman kami ngayon eh.. pero para maconfirm lang, sana magrespond na siya.. hmm, ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko? walang direksyon, as of the moment ang buhay ko.. ang gulo-gulo.. di ko alam ang gagawin.. paano ba ito magiging matuwid? hay, di na talaga ako natuto.. ganito na lang ako palagi.. paulit-ulit.. :(
still affected.. sa nakikinita ko, mukhang mahihirapan ako..
pero, kung gusto naman, may paraan diba? eh ang tanong, gusto ko pa rin ba itong gawin? dapat ko pa bang gawin ito? dapat ko na bang gawin ito? ito na ba ang tamang panahon? ito na ba ang dapat mangyari? oo o hindi lang, denise.. pag-isipan mo..
sleepy mode but can't sleep.. yeah, sleepy mode ako kagabi pero hindi ako makatulog.. eh maaga pa naman ang bangon ko dapat.. anyway, nakatulog din eventually.. after an hour and a half.. :) and you know what's on my mind kaya hindi ako makatulog? siya.. siya na naman? yeah.. hindi ko naman siya palaging naiisip for the past weeks (or nagpapanggap lang ako na hindi siya naiisip kasi in a way, bitter ako?).. pero, sa panahong ito na naiisip ko siya, isa lang ang gusto o balak kong gawin.. at yun ang kausapin siya and finally mag-move on.. yeah, you saw it right.. napag-iisipan ko ng mag-move on.. i don't know.. parang right time na 'to.. feeling ko kasi masyado na akong nagiging burden sa kanya.. at yung feelings, hindi steady.. nawawala, bumabalik.. pero sabi nga ng ilang kaibigan ko na nakakaalam nito, ganun daw talaga.. pero, wala naman akong pinanghahawakan kaya mahirap.. may mga gusto akong gawin para sa kanya, pero hindi ko magawa kasi may limitation.. ang hirap.. it might push through.. medyo ready na ako eh.. again, it takes a lot of courage, ang kausapin siya sa mga ganitong bagay.. but then again, i know i can do it.. kung ito talaga ang gusto kong gawin, magagawa ko..
|